Sony Xperia E4g - Paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon

background image

Paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon

Pinapayagan ng mga serbisyo ng lokasyon ang mga application gaya ng Mga Mapa at

ng camera na gamitin ang impormasyon mula sa mga Wi-Fi® network pati na rin ang

impormasyon sa Global Positioning System (GPS) upang tukuyin ang iyong tinatayang

lokasyon. Kung wala ka sa isang malinaw na line of sight sa mga GPS satellite,

matutukoy ng iyong device ang iyong lokasyon gamit ang function na Wi-Fi®.
Upang gamitin ang iyong device sa pag-alam kung nasaan ka, kailangan mong

paganahin ang mga serbisyo ng lokasyon.

Upang paganahin ang mga serbisyo sa lokasyon

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Lokasyon.

3

I-drag ang slider pakanan sa tabi ng

Lokasyon.

4

Tapikin ang

Sumang-ayon upang kumpirmahin.

Upang payagan ang mga app ng Google na i-access ang iyong lokasyon

1

Tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google™ account mula sa iyong device.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Google > Lokasyon.

4

I-drag ang slider sa tabi ng

Lokasyon pakanan.

5

Tapikin ang

Sumang-ayon upang kumpirmahin.

Pagpapabuti ng katumpakan ng GPS

Sa unang pagkakataon na gamitin mo ang GPS function sa iyong device, maaaring

tumagal ito ng 5 hanggang 10 minuto bago mahanap ang iyong lokasyon. Upang

matulungan sa paghahanap, siguraduhing may malinaw na tanaw ka ng langit. Tumayo

nang matatag at huwag takpan ang GPS antenna (ang naka-higlight na lugar sa imahe).

Maaaring tumagos ang GPS signal sa mga ulap at plastic, ngunit hindi sa karamihan ng

mga solidong bagay gaya ng mga gusali at bundok. Kung hindi mahanap ang iyong

lokasyon pagkaraan ng ilang minuto, lumipat sa isa pang lokasyon.